+ navigation

Gusto kong umalis

kaso:

  • tinatamad akong maligo
  • tinatamad akong maghanap ng damit
  • tinatamad akong tumayo sa kianuupuan ko
  • tinatamad akong lumabas ng bahay
  • tinatamad akong maglakad
  • at higit sa lahat TINATAMAD ako ngayong araw

pero gusto ko talagang umalis n g bahay at mamasyal :/

mas dama kong magbasa ng mga blog post sa mismong blog kesa sa dashboard.

Ewan ko, kapag kasi sa dashboard lang ako nagbabasa ng mga post tinatamad ako, pero kapag sa mismong blog ako nagbabasa sinisipag ako, parang may something lang talaga sa mismong blog na naghihikayat sa akin na magbasa ng magbasa.

Tulad ngayon kakatapos ko lang tumambay sa blog ng mga taong *yun*, masyado akong nawiling magbasa hindi ko namalayang umaga na pala. Patay nanaman ako sa nanay ko xD.

Dahil nga sem-break na namin bagong gupit ako!
hindi ko first time magpagupit ng ganito kaikli, bale second time na xD.
marami-rami na rin ang nakakita nito, yung iba sabi - bagay sa’yo, ang cute, muka ka ng lalaki, muka ka ng bakla, kamuka mo na si win-win (yung sa pinoy biggest loser), ang panget, hindi bagay sa’yo, ang kulit ng buhok mo, ang dami nilang sabi pero wala na akong magagawa, gusto niyo man o hindi, panget man o maganda, bagay man sa akin o hindi, wala na ako at kayong magagawa kung hindi maghintay na muling humaba ang buhok ko, kaya wag na kayo magreklamo pa diyan nagupitan na eh. Hintay-hintay rin mga dre hahaba rin yan. :D

There are no perfect fathers, but a father will always love perfectly.